[Latest News][6]

page 2
Trending
Viral

'Bilibid scandal' whistleblower, pinatay sa Davao del Norte


Patay ang isang guwardiya ng Davao Prison and Penal Farm, na dating kinilala bilang taong nagsiwalat sa mga iligal na kalakaran sa loob ng New Bilibid Prison noong 2012, matapos pagbabarilin ng isang armadong suspek sa loob ng sinasakyang bus, Sabado ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis sa Carmen, Davao del Norte, lumabas na sinabayan umano ng suspek ang prison guard na si Kabungsuan Makilala sa loob ng bus. Pagdating sa Purok 8, Barangay Alejal, Carmen, ay pumara umano ang suspek, sabay baril sa ulo ng biktima.

Agad na nakaresponde sa pagbaril si Police Officer 3 Pablo Paulo, na nakatira malapit sa pinagganapan ng krimen.

Nakipagpalitan ng putok si Paulo sa suspek at sa kasamahan nitong nakasakay ng motorsiklo.

Tinamaan ng bala sa binti ang pulis, at nadamay din sa barilan ang kaanak ng pulis na sina Marilyn Bediones, ang kapatid nito na si Elena Paulo Balase, at ina na si Elvera Paulo na pawang isinugod sa hospital.

Idineklarang dead on arrival naman sa ospital si Makilala.

Naiwan ng mga suspek ang kanilang motorsiklo. Nagawa pa rin nilang makatakas matapos mang-agaw ng motorsiklo.

Hinala ng pulisya sa Carmen, posibleng may kinalaman sa trabaho ni Makilala ang motibo ng pagpaslang.

[source]

TOP TRENDING NEWS YOU MIGHT ALSO READ

Recent Posts Widget
Loading...

No comments:

Post a Comment

Start typing and press Enter to search