[Latest News][6]

page 2
Trending
Viral

WATCH: Sundalo, Nanampal ng Babaeng Bar Manager Dahil Hindi Naghubad ang mga GRO Dancers

Isang sundalong naka-duty ang nanampal ng isang babaeng manager sa isang bar sa Ramon, Isabela matapos itong madismaya sa kanyang napanood sa stage. Ayon sa manager, nagalit umano ang sundalo dahil hindi naghubad ang mga GRO habang nagsasayaw ito sa stage. Warning: Maselan ang video, hindi dapat panoorin ng mga bata.


“Binabawi nya…sabi nya, di naman daw nagampanan ng babae natin yung dapat nyang gampanan. Sabi ko naman, ‘Sir, pag hindi ka naman kuntento sa mga girls natin dito, pwede naman kayo lumipat sa ibang bar.'” Sabi ng bar manager na si Aling Gemma sa TV Patrol reporter. Dahil dito, napikon ang sundalo at sinampal siya sa kaliwang pisngi.

Sinuportahan ang paliwanag ni Aling Gemma ng isa sa mga GRO na nagngangalang “Anna,” at sinabing talaga daw na lagi silang nakadamit habang sumasayaw. Pero sabi nya, pinipilit sila ng sundalo na mag-alis ng damit. Hindi sila pumayag, at doon na nagsimulang magalit at magwala ang nasabing sundalo, at sinampal ang bar manager.

Huling huli sa CCTV video na inambaan ng sampal ng sundalo ang nasabing bar manager hanggang sa nasampal na nga nya ito. Makikitang inawat ng isang customer ang sundalo pero siya naman napagbalingan, at binugbog siya nito. Matapos ang insidente, tumakas ang sundalo. Di nagtagal, mismong mga kapwa nya sundalo ang kumilala sa kanya.

Ang pasaway na sundalo ay nakilalang si Corporal Manny Boy Gatok, na naka-assign ito sa Paracelis, Mt. Province. Kinumpirma ito ni Lieutenant Colonel Nicholas Quemado, Jr., commanding officer ng 54th Infantry Battalion. Sa ngayon ay nakikipag-ayos na daw ito sa management ng bar, pero nahaharap pa rin siya sa kasong administratibo.


[source]

TOP TRENDING NEWS YOU MIGHT ALSO READ

Recent Posts Widget
Loading...

No comments:

Post a Comment

Start typing and press Enter to search