[Latest News][6]

page 2
Trending
Viral

WATCH: Duterte, nangako ng mas ligtas at kumportableng buhay para sa mga Filipino


Kasabay ng pagdiriwang ang Kapaskuhan, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na mas magiging ligtas at kumportableng ang buhay ng mga Filipino.

Ito ang naging laman ng maiksing Christmas message ni Duterte.

Ayon sa pangulo, sisikapin niya na makapagdala ng pagkain sa hapag kainan ng bawat pamilyang Pilipino, lumikha ng mas madaming trabaho, at maiparamdam sa sambayanan ang mas ligtas at kumportableng buhay.

Sinabi din ni Duterte na mananatiling committed ang pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan sa bansa.

Ang kapayapaan at kabutihang-loob aniya ang pundasyon ng tunay na diwa ng Pasko.

Kasabay nito, hinimok ni Duterte ang publiko na makiisa sa pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan at progresibong bansa.
SourceRadyo Inquirer
[source]

TOP TRENDING NEWS YOU MIGHT ALSO READ

Recent Posts Widget
Loading...

No comments:

Post a Comment

Start typing and press Enter to search