[Latest News][6]

page 2
Trending
Viral

WATCH: 'De Lima, sinungaling at tanga!' - Alvarez


Tahasang tinawag kahapon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sinungaling at tanga si Sen. Leila de Lima sa paha­yag nito na ‘impeachable offense’ ang lantarang pagbibida ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya mismo ay nanghahanting at pumapatay ng mga kriminal noong alkalde pa siya ng Davao City.

“Hindi lang s’ya sinungaling tanga din pala. You cannot just impeach an official for mere words you have to prove the offense. What if the President will say ‘I was just joking’,” anang text message ni Alvarez bilang sagot sa mga mamamahayag sa Kongreso na humingi ng komento sa kanya ukol sa bantang impeachment ni De Lima laban sa Pangulo.

Maging si House majority leader Rodolfo Fariñas ay nagsabing walang basehan ang banta ng senadora.

“The President said that such happened when he was a mayor patrolling the streets of Davao to keep them drug or crime free,” punto ni Fariñas.


Paliwanag ng kongresista, maaari lamang na ma-impeach si Pangulong Duterte sa mga paglabag sa batas na ginawa nito habang nanunungkulan bilang Pangulo na ng bansa at hindi sa mga nagdaang panahon.

Binanggit pa ni Fariñas na noong Human Rights commissioner at Justice secretary si De Lima ay inimbestigahan na nito ang pagkakasangkot ni Duterte bilang alkalde sa mga patayan sa Davao subalit wala namang napatunayan sa mga ito at patunay ay ang kabiguan ni De Lima na kasuhan ang Pangulo noon.


Sa panig naman ni Sen. Panfilo Lacson, balewala ang anumang pag-amin ng Pangulo sa sinasabing pamamaslang kung walang marerekober na bangkay na tutugma sa mga sirkumstansyang nakapaloob sa kwento.

“Ewan ko. Kasi may guideline sa impeachment, ano mga basis. First, sa sinabi niyang he killed somebody, wala namang details sino ‘yan? Maski halimbawa ordinary tao may sinabing may pinatay ako, walang corpus delicti. Nasaan ang pinatay?” paliwanag ni Lacson.

Ang kontrobersyal na pahayag ng Pangulo na lumikha ng pagkabahala ay nagsasaad ng ganitong mga kataga, “In Davao I used to do it personally. Just to show to the policemen that if I can do it, why can’t you?”.


Si De Lima ay kasalukuyang dumadalo bilang delegado sa 5-araw na pagtitipon sa Berlin, Germany para sa Annual Conference on Cultural Diplomacy (ACCD).

Dito ay bitbit ni De Lima ang usapin ng human rights violations sa Pilipinas, partikular ang extrajudicial killings (EJK).

Noong Martes ay pinarangalan sa Estados Unidos si De Lima bilang isa sa 100 Foreign Policy Global Thinkers of 2016, kahilera sina UN Sec. Gen. Ban Ki-Moon, dating US State Department Sec. Hillary Clinton, Canadian Prime Minister Justin Trudeau at iba pa.
SourceAbante

[source]

TOP TRENDING NEWS YOU MIGHT ALSO READ

Recent Posts Widget
Loading...

No comments:

Post a Comment

Start typing and press Enter to search