Header Ads

BREAKING: 15-Anyos Dalagita, Ginahasa At Nabuntis Ng Sariling Ama


Patuloy parin na pinaghahanap ng kapulisan ang isang ama ng tahanan matapos nitong gahasain ng maraming beses sa loob ng pitong buwan ang kanyang anak sa isang liblib na barangay sa bayan ng Lambayong Sultan Kudarat, na kung saan nagresulta ito ng pagbubuntis sa 15 taong gulang na anak nito.

Sa ekslusibong panayam ng Target on Air Sultan Kudarat sa biktimang si alyas "inday" sinabi nito at ikinuwento na March 29,2016 ng simula siyang gahasain ng kanyang ama na si alyas "toto" 40 anyos isang widow, sa loob mismo ng kanilang tahanan sa bayan ng Lambayong Sul. Kudarat habang ito ay lasing.

Ayon pa kay alyas inday ay nabigla umano ito ng may nahigang bigla sa kanyang tabi habang ito ay naka higa sa kanyang higaan sa sala ng kanilang tahanan at tinakpan ang bibig nito sabay tutok ng isang uri ng patalim at sinabihan pa ito na huwag siyang magsumbong dahil pag nagsumbong ay papatayin ito.

Dagdag pa ng biktima na hindi lang iyon ang unang pagkakataon naulit pa umano ito ng ilang beses sa loob ng 7 buwan bago na diskubre ng mga tiyahin nito na kamag-anak ng nanay nito.


Samantalang noong mga nakaraang buwan pa umano nalaman ng kamag anak sa father side nito na nabuntis ang biktima at noon pa nito sinabi ngunit inilihim lang ng mga ito dahil sa kahihiyan ng pamilya bagkus dinala nila ang dalagita sa lungsod ng Tacurong upang itago at sinabi pa ng biktima na sinabihan ito ng isa sa mga tita nito na pag may magtanong kung sino ang ama ay sabihing muslim umano ang nakabuntis dito.

Ng madiskubre ng isang tiyahin ng biktima, agad itong nagsumbong at nagpatulong sa kagawad ng kanilang barangay na siya namang nagdala sa himpilan ng pulisya.

Agad naman na tinungo ng kapulisan ang pamamahay ng suspek para hulihin ngunit wala na ito at sinabi ng mga kapatid umano nito na ilang araw ng hindi ito umuuwi.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng isang kamag anak ng biktima at naka takda ng ipadala sa DSWD ano mang oras ngayong araw habang inihahanda ang warrant of arrest sa suspek.
~ Source: TARGET ON AIR
Like this article
What can you say about this story? Feel free to comment below. Please SHARE this to all your family and friends
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.